Tuesday, September 27, 2005

Withdrawal

I've been off caffeine for a month now =)

Well, from four cups a day, it's down to my morning mocha, which doesn't even have that much caffeine because it's one of those pre-bottled things from Starbucks.

It's not like I totally quit. I'll have an iced coffee on the week-ends every now and then. But I think a certain someone was jealous of my resolve enough to quit nicotine. Ha!
Why you'd want to live here

Pinag-isipan ko talaga nang matagal, Jeline.

Is living in NY all it's cracked up to be?

I vacillate between wide-eyed wonder (the view from the Brooklyn Bridge at night still takes my breath away) and a sort of jadedness (hay, eto na naman, sasakay na naman ako ng subway at magmamadali at uupo sa desk ko nang walong oras, and on my way home there's going to be another police investigation and I'll be stuck underground for an hour).

Maybe it is that way with Paris or London or Tokyo. I felt that way about Manila when I first moved from Bacolod.

But yeah, I really love living here. I know I wouldn't want to live here forever. Soon I'll be more concerned about my rent money going towards a mortgage than being close to all the "cool" things. I'm going to get increasingly annoyed with being around a lot of people all the time. I'll finally get sick of the commute. New York is not kind to old people.

But for now, if I could be in any American city, it'd still be New York. It just sucks that the people that I'd want to be doing all the things you could do in NY with aren't here.

Tuesday, September 20, 2005

Tagalog

I miss speaking Tagalog. It's either English or Ilonggo for me nowadays. I have no one to speak Tagalog to, especially on weekdays. At work, I have a habit of saying "Hay naku!" all the time. People must think I'm nuts. So this whole post is going to be in Tagalog. Just for kicks.

Matagal akong hindi nakapagsulat dito kasi abala ako sa maraming bagay. Mga walang kuwentang bagay.

Nung holiday (araw na pangilin ayon sa diksyunaryo sa pangkalawakang sapot) pumunta kami sa Pennsylvania para gumala at magmukhang tanga. Kami po ay sumakay sa balsang gawa sa goma at nagpaanod sa puting tubig. Salbahe yung isa kong kasama at binasa niya lahat ng tao. Wala kaming baril na may tubig sa loob gaya nung ibang mga bata (Ha! Pakiramdam namin ay bata din kami.) pero meron kaming mga timba. Marami kaming kasamang mga estrangherong galing sa iba't ibang landas. Noong una ay ayaw nilang mabasa pero wala silang magawa. Kasi po naman, bakit ka sasakay sa balsang gawa sa goma at magpapaanod sa puting tubig kung wala kang balak mabasa? Meron dun isang nanay na intsik na mukhang maselan at maarte. Sabi niya, "Wag po! wag po!" Kaya sabi namin dun sa isang batang may baril na tubig ang bala, hindi naman makatarungan kung hindi lahat ng tao mabasa. Nung bandang huli, isang balsa na lang yung tuyo kasi masusungit ang mga taong nakasakay dun. Ninakaw ng tatay na intsik yung isa naming timba. Ninakaw niya rin yung baril nung isang bata. Tapos tawa siya nang tawa. Tatlong oras kaming nagpaanod at pagkatapos ay pagod at masaya lahat nang tao maliban dun sa mga masusungit.

Tumigil pala kami sandali para sa pananghalian. Wala kaming dalang pagkain ng mga kaibigan ko kasi akala namin may libreng pananghalian. Kaya maliliit na tilad ng patatas at isang boteng inumin lang ang dali namin. Tig-iisang higop lang kami sa inumin. Ako yung huling humigop sa bote kasi may ubo ako noon. Dahil doon mas lalong naging malapit kami sa isa't isa.

Kanina, masyadong maraming gawain sa opisina. Wala akong ginawa kundi tumakbo. Hindi literal ha. Wala kasi yung isa kong kasama, kaya ako gumawa ng trabaho niya. Wala rin yung isang inaasahan ko palagi, kaya masyado akong abala. Hindi na rin ako nakapagpananghalian. Hindi ko na sasabihin kung ano yung kinain ko kasi mahirap siyang isalin.

Alas siyete na ako nakaalis sa trabaho. Dumaan muna ako sa Daffy's. Sinoli ko yung binili kong damit nung isang araw. Maganda siya at kakaiba pero mas mahal pa siya kesa sa binigay ko sa mga biktima ni Katrina kaya nanghinayang ako.

Pagdating ko sa bahay, sobrang gutom ako. Gusto ko sanang kumain ng karne ng baka at uminom ng serbesa (kasi masarap siya kasama ng baka) sa restauran ng mga taga-Vietnam pero parang hindi ko na kayang maglakad ng siyam na kalye sa sobrang gutom. Kaya dito na lang ako sa bahay. Wala naman akong pagkain dito maliban sa maliliit na tilad ng patatas at yung kalamay ng mga Italyano na gawa sa krema at binalot ng tsokolate. Masarap siya pero gusto ko pa rin ng baka.

Kailangan ko nang matulog kasi gigising ako nang maaga bukas. Hindi ako puwedeng pumasok nang huli sa trabaho kasi masisisante na ako. Kutob ko may problema ako sa pangangasiwa ng oras. O siya. Nakakapagod pala magsalita ng tuwid na Tagalog.

P.S. Gusto ko lang ikuwento; kagabi, pinanood ko yung panayam ni Spike Jonze kay Fatlip. Kasama siya sa DVD ng mga gawa ni Spike Jonze. Si Fatlip ay dating miyembro ng Pharcyde, yung may astig na bidyo ng Drop. Sobrang naaliw ako sa kanya! At nagustuhan ko yung kanta niyang What's Up, Fatlip? At sinaliksik ko pa yung salita ng kanta sa pangkalawakang sapot para masabayan ko yung bidyo. Gusto ko siyang ikarga sa pantugtog ng musika na nadadala kung saan-saan!

Saturday, September 3, 2005

You can't find nothing at all if there was nothing there all along



It gives me a funny feeling in the stomach knowing that I am slowly but surely destroying any lingering possibilities of ever having any kind of relationship with this boy that I can't seem to decide whether I like or not.